Dear @shikika - #steemitserye Part 5 - Happy Ending Na Ba?

Kasalan na Ba?

image

Dahil sa kinukulit na ako ng mga masugid kong mga tagasubaybay napagpasyahan kong sumulat kay @shikika.

Dear @shikika,

Alam kong inaasahan mo na ang sulat ko. Kahit halos lahat ayaw na sumulat ako saiyo. Sa dinami-dami ng nagbigay ng payo sa akin mas pinakinggan ko sila @sunnylife @jennybeans @akoaypilipina. Hindi naman ako nagsisisi sa mga naging pasya ko kahit napakasalimoot ng napagdaanan ko. Inaamin ko na napakasakit para sa akin ang mga naging desisyon ko. Pero naging matapang akong harapin ang buhay na meron ako ngayon dahil saiyo Shikika. Hindi ko inaasahan na mailalabas kita. Ang aking matapang na konsensya.

Wahahaha....Shikika pasok!

Tuluyan ng umalis ng kwarto si Mark at nilisan na rin ang kanilang bahay. Habang siya ay naiwang humahagulhol pa rin. Mugtong mugto na ang kaniyang mga mata at nakatulugan na lamang ang pag-iyak. Sumilip sa kwarto ni Aileen ang kanyang ina. Nasasaktan sa pinagdadaanan ng pinakamamahal niyang anak. Siya'y napabuntong-hininga, biglang napaisip at naiyak.

"Kaya ko bang iwan ang anak ko sa ganitong kalagayan? Aalis na kami sa makalawa ng ama niya papuntang ibang bansa upang maipagamot sa mga dalubhasa ang sakit na meron ang kanyang ama. Ipagpapaliban ba namin ang pag-alis para madamayan anak ko? Paano na lamang ang asawa ko at mga nagastos ng mga kapatid ko sa ibang bansa para sa aming pag-alis? Bukas ko na lang kausapin anak ko."

Tanghali na ng nagising si Aileen. Bumangon na damang-dama pa rin ang sakit ng pusong sugatan. Napaupo sa harap ng salamin. Hapung-hapo. Ibang-iba sa dating Aileen na punung-puno ng sigla. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Nawala bigla ang ganda ng mukha. Nawawalan na siya ng gana sa buhay. Ayaw na niya mabuhay. Gusto na niya mamatay para mamatay na rin ang sakit na kanyang nadarama. Lagi na lamang siya naaano, nasasaktan at naiiwan.

Habang nakatitig si Aileen sa sarili niya sa salamin, meron biglang lumabas na kawangis niya na maganda at masaya parang walang problema.

Si Shikika kasama na sa kwento. Wahahaha

image

Hindi na nagulat o natakot si Aileen sa paglabas ng kawangis niya dahil lumalabas eto kapag hinang-hina siya. Ang kawangis niya ang nagbibigay lakas loob sa kanya upang patuloy na lumaban sa buhay. Ang kawangis niya ay walang iba kundi ang kanyang konsensya na si Shikika.

Nagsalita si Shikika, "Besh! Ano na naman eto?! Distorbo ka naman sa beauty rest ko eh!

Wala pa rin imik si Aileen. Nakatitig lang kay Shikika. Hinampas ni Shikika si Aileen sa balikat.

"Besh gising ka na nga! Kilalang kilala kita besh basta sa ganitong pagkakataon ang hina-hina mo. Ayaw mo harapin ang katotohanan. Ano ka ba masisira rin beauty ko dahil saiyo. Magpakatatag ka besh para sa anak mong si Teresa, sa mga magulang mo at sa nasa sinapupunan mo. Huwag na puro drama sakit sa bangz! Umayos ka besh di pa katapusan ng mundo. Marami pa magandang mangyayari sa buhay mo. Gising besh! Gising besh! Gising!"

At biglang nagising si Aileen na matagal na palang nakatitig sa kawalan. Tinatawag na siya ng kanyang ina para kumain. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Naligo. Nagbihis. Sinaluhan sa pananghalian ang ama, ina at anak na si Teresa. Laking tuwa ng kanyang ina na parang walang bahid ng lungkot sa mukha ni Aileen. Hindi na lamang niya inusisa ang anak. Alam naman niya ang nangyari dahil nagkwento si Mark bago eto umalis. Saka ayaw niyang malungkot uli ang anak niya lalo na ngayon na bukas na ang alis nila sa Amerika. Wala na etong makakaramay.

Nagsalita si Aileen, "Ma, Pa di ba bukas na alis niyo. Dahil linggo ngayon, labas muna tayo. Magsimba saka manood ng sine."

Laking tuwa ni Teresa na lalabas sila at manood ng sine. At tuwang-tuwa mga magulang ni Aileen. Buong akala nila aalis sila na malungkot at nag-aalala para sa anak. Pagkatapos nilang kumain, nag-ayos ng mga sarili at nagsimba.

image

Ipinaubaya ni Aileen sa Maykapal ang kanyang buhay. Binuhos niya lahat ng sakit na nadarama. At ipinalangin na maging ligtas sa biyahe ang kanyang mga magulang at gumaling na ang kanyang ama. Ipinalangin niya na bigyan siya ng tibay ng loob na harapin muli ang buhay niya. Pagkatapos magsimba, deretso sine. Masaya silang lahat na natapos ang araw.

Maagang nagising si Aileen kinabukasan para maghanda sa pag-alis ng mga magulang. Gising na pala ang kanyang ina. Habang sila ay nasa kusina. Nagkwento si Aileen sa ina na buntis siya. At si Mark ang ama. Niyakap si Aileen ng kanyang ina ng mahigpit na mahigpit at hinalikan sa noo. Ayaw niyang ipakita sa anak na nasasaktan siya para sa anak dahil gusto niya magpakatatag eto. Alam ni Aileen na nahihirapan din ang ina. Kaya sinabi niya,

"Ma, huwag kayo mag-alala sa akin. Kayang-kaya ko to. Pinagdaanan ko na ito dati. Kaya ko to. Isang buwan lang naman kayo dun ni Papa. Mabilis lang ang panahon. Bukas makalawa andito na kayo."

Lalong humigpit ang yakap ng kanyang ina at binigyan siya ng madaming-madaming halik. Hindi nila alam nasa likod pala ang kanyang ama at anak. Nakikinig lang sa kanila, lumapit at niyakap sila ng mahigpit na mahigpit.

Natuloy sa Amerika ang mga magulang niya. Naiwan sila ni Teresa sa bahay nila. Makalipas ang isang buwan nakauwi na mga magulang ni Aileen at magaling na rin ang kanyang ama. Naging maayos naman buhay ni Aileen. Hanggang sa ipinanganak na niya ang kanyang bunso, si *** Baby Reese***. Masaya ang buhay nila kahit walang ama ang mga anak niya. Maraming taon na ang nakalipas na wala sa buhay niya sila Mark at Richard. Malalaki na rin mga anak ni Aileen.

image

Kahit hindi na tumatanggap ng manliligaw si Aileen marami pa rin ang nagkakalakas ng loob na ligawan siya. Ang ganda pa rin ng lola kahit limang taon na ang nakalilipas. Marami pang natatanggap mula sa mga manliligaw. Ano eto kumakaringking na naman mga besh!

image

image

image

Ngunit isang araw,

Waahhhh....Shikika pasok ulit! Lols

Sobrang busy sa bahay nila Aileen. Madaming tao. Lahat kulay puti ang suot pati palamuti sa buong bahay at bakuran. May malaking kasiyahan na magaganap. Ikakasal si Aileen. But wait, hindi si Aileen ang ikakasal kundi ang konsensya niyang si Shikika. Paano kasi ang hina ni Aileen. Lagi si Shikika ang nagtatanggol sa sarili niya kaya si Shikika ang nangibabaw sa katauhan ni Aileen. Teka lang! Kanino ba ikakasal si Shikika? Waaahhh! Ang matagal ng pinapangarap ni Shikika ay matutupad na. Ikakasal na siya sa napakakisig at napakabangong si Mark. Ipinaglaban kasi ni Shikika ang kanyang pagmamahal kay Mark. Hindi siya nagpatalo kay Marguerette. Hindi niya sinukuan si Mark hanggat hindi siya nito naaalala. At napagtagumpayan naman niya. Naalala na rin ni Mark kung sino ang totoong pinakamamahal niya. At ngayon ay araw na ng kanilang kasal. Si Richard ang best man dahil pinsang buo pala eto ni Mark. Si Marguerette naman ang bride's maid dahil naging matalik niya din etong kaibigan at napatawad niya eto sa mga nagawang kasalanan. Ang saya saya ni Shikika. Sa wakas naglalakad na siya papunta sa minamahal niya. Eto na nga ang simula ng magandang buhay sa piling ni Mark. Eto na pala ang patunay sa mga katagang nasambit ni Mark na nakaukit sa aking isipan.

"Aileen please listen... Someday, when our eyes meet again... It will be the beginning of something beautiful we left behind.. I promise..."

Tinatanong na pala ako ng pari. "I Do." agad ang nasambit ko. Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa simbahan. Hanggang sa sabi ng pari. "I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Kinikilig ako parang wala lang dalawang anak. Hanggang sa unti-unti lumalapit ang mga labi ni Mark ky Shikika. Isang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi ng biglang huminto ang lahat.

Sandali!!!!! Naipasok ko talaga ang kwento ky Mark at Shikika. Hahahaha. Akala niyo ba happy ending na para ky Mark at Shikika? Nagkakamali kayo. Narito ang tunay na nangyari.

Ngunit isang araw, sakay ng taxi si Aileen papuntang airport para sunduin ang mga magulang at anak na pauwi galing bakasyon sa Amerika ng mabundol ang sinasakyan niya sa paparating na Hi-lux. Dahil sa matinding takot at pag-aalala ay biglang naalala niya ang nangyari ky Mark nun naaksidente eto kaya siya'y nahimatay. Nabundol ang sinasakyang taxi ni Aileen sapagkat nakaidlip ang driver ng paparating na Hi-lux na sasakyan. Hindi naman kalakasan ang pagkakabundol. Bago pa nawalan ng ulirat si Aileen meron siya naaninag na mukha na familiar sa kanya habang siya ay binuhuhat ng may matitipunong katawan. Sinakay si Aileen sa Hi-lux at dinala sa hospital. Si Richard pala ang nakasakay sa Hi-lux galing sa airport bagong dating ng Pinas. Meron din isang tao na sobrang nag-aalala ky Aileen na nakabuntot sa lalaking nagdadala ky Aileen. Si Mark pala yun. Kasama niya si Marguerette papunta sa airport. Ihahatid sana eto sa paliparan pauwi ng States.

Ng marating ang ospital sa isang emergency private room pinasok si Aileen. Kahit wala ng malay meron pa siya naaamoy na pabango at familiar sa kanya. Hindi pa rin nagigising si Aileen. Sa ospital na rin dumeretso mga magulang at anak ni Aileen. Sobrang nag-alala na dahil ilang oras ng hindi pa nagigising. Sabi naman ng doctor wala fracture sa kanya. Natutulog lang daw. Di magtatagal magigising rin. Hanggang sa pumasok sa kwarto ang mga magulang at mga anak ni Aileen. Natulala sina Mark at Richard pagbukas ng pinto. Meron dalawang batang babae na pumasok at kahawig nila. Natulala rin ang mga magulang ni Aileen ng makita ang dalawang lalaki. Samantala sina Teresa at Reese hindi napansin ang dalawang lalaki sa kwarto sa sobrang pag-aalala sa ina nila. Niyakap nila ang ina ng mahigpit at umiiyak. Sabay pa nilang nasambit,

"Mama, mama gising na po kayo. Andito na po kami."

Habang walang malay si Aileen, napanaginipan niya na siya ay kinakasal kay Mark.

Mga besh yung kasalan na nangyari yun po ang sa taas. Hahaha. Akala niyo si Shikika. Si Aileen at Mark po yun. Ang konsensya lang po ni Aileen ang gumanap. Kaso hindi natuloy ang halikan. Hahahaha

Nahinto po ang halikan dahil nagising bigla si Aileen. Nagising siya sa higpit ng yakap nina Teresa at Reese. Akala niya totoo na ang kasal nila ni Mark. Saka nakita niya si Richard nakatayo sa kanan niya. Naguguluhan siya. Bakit si Richard una niya nakita? Eh, si Mark napanaginipan niya. Naalala na niya kung bakit. Bago siya nawalan ng malay si Richard pala ang bumuhat sa kanya. Kinilig siya bigla. "Knight in shinning armor" ang peg mga besh!

Paglingon niya sa kaliwa nakita niya si Mark. "Sana Dalawa ang Puso Ko" na ba ang bagay na pamagat sa #steemitserye na eto? Bumilis ang tibok ng puso niya kaya pala naamoy niya kanina ang pabango nito. "Ano to? Si Mark andito rin? At kasama pa si Marguerette! Ano eto reunion?

Biglang naalala ni Aileen mga anak niyang nakayakap pa rin sa kanya. Hindi alam nila Richard at Mark na meron sila anak. Nagpang abot mga mata nila Aileen at Richard. Nagpang-abot rin mga mata nila Aileen at Mark. Alam niya na puno ng katanungan ang mga matang yun lalong lalo na ng tumingin sila sa mga anak ko. Hindi rin naman kasi maikakaila na kamukhang-kamukha ni Richard si Teresa. Kamukhang-kamukha naman ni Mark si Reese.

Mga besh sakit na masyado bangz ko! Nyahahaha. Magbalik tanaw muna tayo sa nakaraan mga besh!

Magpinsang-buo si Richard at Mark. Si Marguerette naman ang dating asawa ni Richard. Bago naging si Richard at Marguerette si Mark at Marguerette muna ang magnobyo. Kaso dahil malandi si Marguerette ayun nakipag ano sa ex niya nun minsan nagkayayaan ang barkada mag bar. Ng malaman ni Mark ang panloloko ni Marguerette nasaktan siya masyado pero hiniwalayan niya eto. Hanggang sa nabuntis pala si Marguerette. Hindi niya kayang harapin ang kahihiyan maidudulot sa pamilya niya. Kaya isang araw ng pauwi na ng Pinas si Richard, si Marguerette ang una niya nakontak na nasa Pinas na siya. Dahil hindi makontak si Aileen at Mark. Papasundo sana siya sa nobya niya at pinsan niya na parang kapatid na ang kanyang turing. Dahil si Marguerette ang available eto ang sumundo sa kanya. Dahil sa pagod sa biyahe nakatulog si Richard. Paggising niya sa condo siya ni Marguerette. Magkasama sila sa higaan at walang mga saplot. Kaya yun napilitan pakasalan ni Richard si Marguerette dahil naabutan sila ng mga magulang ni Marguerette sa ganoong ayos. Ikinasal si Richard ky Marguerette. Ngunit nakunan si Marguerette. Sa una pa lang si Richard na gusto ni Marguerette kaso may mahal ng iba si Richard at yun ay si Aileen. Nalaman ni Richard na pinikot lang siya ni Marguerette kaya hiniwalayan niya eto.

Mga #teamRichard diyan pagkakataon niyo na tulungan si Richard. Hahahaha

Nangibang bansa ulit si Richard noong nagkahiwalay sila ni Marguerette dahil hindi na siya tinanggap at pinatawad ni Aileen. Sa araw ng pag-alis ni Richard saka naman nadisgrasya si Mark. Ng mabalitaan ni Marguerette hindi siya nag atubiling puntahan eto sa ospital. Laking tuwa niya na hindi na galit sa kanya si Mark. Masayang masaya si Mark ng makita siya. Kaya si Marguerette ang naalala ni Mark sa panahong nagka amnesia siya.

Mga besh! Walang basagan ng trip! Kwento po ni Aileen at Shikika ang nakapaloob sa liham na eto. Minsan si Aileen nagkwekwento. Minsan si Shikika ang nagkwekwento. Pagpasensyahan niyo po tagalog ni @shikika waray-waray kasi kaya yan ang kinalabasan. Hahahaha

Mga besh! Sakit na masyado bangz ko! Takbo na @shikika! Ngayon na nagkita-kita na ang mga bida si @lunamystica naman ang dapat sumakit ang bangz. Hahaha! Ikaw na nga @lunamystica ang magpatuloy sa sununod na kabanata. Damay damay na to! Hahahaha
Ano kaya ang susunod na mangyayari mga besh? Keri niyo pa ba ang takbo ng kwento? Masyado mahaba ang naikwento ni Aileen ky @shikika dahil siya ang lubos na nakakakilala ky Aileen. Lalabas pa kaya si Shikika sa susunod na kabanata? Malalaman na ba nila Richard at Mark na meron sila anak ky Aileen? Wala na ba amnesia si Mark? Single pa rin ba si Richard? Bakit kasama pa rin ni Mark si Marguerette? Magnobyo pa rin ba sila o mag-asawa na? Naghihiganti ba si Marguerette kay Aileen dahil alam niya na siya ang babaeng mahal ng mga minahal niya? Magiging matalik ba sila na mgakaibigan? Malalaman na rin ba nina Teresa at Reese na ang ama nila ay kasama na nila sa kwartong yun? Ano ang magiging reaksyon ni Aileen sa tagpong yun? Sino ba talaga ang mahal niya? Si Mark pa rin ba o nabuhay muli ang una niyang pag-ibig? Sa mga #teamRichard at #teamMark diyan magsilabasan na kayo. Cheer niyo team niyo para marinig ni @lunamystica. Hahahaha

Sa mga hindi pa nakakabasa ng #steemitserye sa pangunguna ni @sunnylife narito ang kwento ni Aileen:

Part 1 - Dear SunnyLife - Nagmahal, Nabigo At Umaasa
Part 2 - Dear SunnyLife - Nasaktan, Bumangon at Nagmahal Muli
Part 3 - Dear Jennybeans - Mahal ko o Mahal Ako
Part 4 - Dear Akoaypilipina - Mahal ko...Mahal Ay Iba
Hindi Kasama Sa Part - Mga Besh Sakit Sa Bangz Life Ni Aileen!!!!!

Mga besh comment na dali!!!! Tulungan natin si @lunamystica. Damay damay na! Hahahaha. Tulog na ako mga besh! Sakit sa bangz!

Ooooopppppsss teka muna. Wag muna bungisngis. Kunting katahimikan.

Strengthen and Heal my father Lord. 🙏 🙏 🙏

My dear Steemians, please pray for my father's healing. Thank you so much for the prayers.

I am very grateful accepting the Part 5 - Happy Ending of #steemitserye.😘😘😘😀😀😀💖💖💖

Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! 😀😀😀

Everyday is worth to be grateful of!

How about you? What's your #gratefulvibes story for today? Join the #gratefulvibes community challenge of @paradise-found as it is extended forever. You can share yours and show to Steemit world how grateful you are. Feel free to comment and share. See you around! 😀😀😀💖💖💖

I am inviting everyone to join us at Gratefulvibes Community Discord Server.

Let the #teardrops of gratefulvibes begins! 😀💖

P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

image

Yours truly,

@shikika with much love 💖💖💖😀😀😀

Keep steeming! 😀😀😀

image

image

U5duDsPLWVkRfhiP758pZa8Qhn95oFE.gif

H2
H3
H4
Upload from PC
Video gallery
3 columns
2 columns
1 column
113 Comments