Dear @akoaypilipina,
Alam kong inaasahan mo na akong susulat sayo upang hingin ang iyong payo. At batid ko rin na ikweninto na nina @sunnylife at @jennybeans mula ng magkakilala kami ni Mark gang sa proposal nya to the worst nightmare na hindi ko aakalaing mangyayari... ang pagkakaaksidente ni Mark na dahilan ng kanyang amnesia ngayon. Habang nagsusumikap akong tulungan si Mark na maibalik ang kanyang alaala at maipagpatuloy ang naisantabi naming planong pagpapakasal ay ito naman ang malanding Marguerette na umeksena.
Madalas dumalaw si Marguerette kay Mark. Mas madalas pa nga siguro sa akin. Minsan nagpapaang-abot pa kami. Pag dumarating sya nag-iiba ang mood ni Mark. Masayang-masaya sya kapag andon si Marguerette tapos ako tila di na nageexist. Iniintindi ko na lamang iyon kahit na nasasaktan ako, tinitiis ko na lang. Baka sakaling makatulong ang presence ni Marguerette sa pagbabalik ng alaala ni Mark.
Isang araw, nagising akong masama ang pakiramdam, nahihilo, at nasusuka ako. Ilang araw na palang delayed ang period ko na hindi ko napansin dahil sa mga nakaraang pangyayari. Nagpregnancy test ako para maconfirm ang hinala ko. Laking tuwa ko at teary eyed ako ng magpositive ang result nito.
Nagpasya akong puntahan si Mark para sabihin ang magandang balita. Nagbihis ako at nagpaganda talaga. Nagkilay pa ako mga bes. Hahaha! Naglagay din ako ng manipis na make up at lipstick na pink. Simpleng dress lang ang napili ko, kulay pink din. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos. Panalo mga bes! Mukhang teenager lang ang peg. Hehehe! Bago ako umalis ng bahay nagwisik pa ako ng pabagong regalo ni Mark. Gustong-gusto nya akong yakapin pag naamoy nya ang pabagong ito. Kahit sa totoo lang naiirita ako sa amoy nito ngayon dala siguro ng kalagayan ko.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay nina Mark. Nakabukas naman ang gate nila nang dumating ako don kaya hindi na ako nagdoorbell. Pumasok ako ng bahay nila at sinalubong ako ng katahimikan. Sa sofa nakita ko ang Louis Vuitton na bag ni Marguerette. Andon pala sya... Pero nasaan sila?
Kinakabog ng kaba ang aking dibdib. Kaya kumuha muna ako ng maiinom sa kusina para kumalma saka ko tinungo ang kwarto ni Mark. Dahan-dahan akong naglakad at umiwas na makalikha ng ingay. Saka pinihit ko ang doorknob. Wala ring tao sa loob ng kwarto! Nasaan sila?
Lumabas ako ng bahay at tinungo ko ang pool sa gawing likod. Narinig ko ang matinis na halakhak ni Marguerette.
"Markkkk come and get me hihihihi come on, honey!"
Nilalandi na nman ang Mark ko. Napabuntong hininga na lang ako sa narinig habang patuloy na binabaybay ang daan papuntang pool kung saan naroon sila. Malapit na ako pero tahimik na. Nanlaki ang mga mata ko...
Oh my God! Naghahalikan pala sila! Waaaaaaa!Di ko alam kung susugod ako o ano.
Nabitawan ko ang hawak kong baso. At sabay silang napalingon sa kinatatayuan ko. Nagulat silang pareho. Si Marguerette nakangiting tagumpay sa akin. Si Mark naman blanko lang ang ekspresyon. Tumakbo akong luhaan. Si Mark, nahimasmasan yata at hinabol ako.
"Aileen, wait!" sigaw nya habang hinahabol ako.
Hindi na nya ako naabutan buti na lang may napara akong taxi kaagad. Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko sa loob ng taxi. Sinabayan pa ng tugtog ng radyo.
My shattered dreams and broken heart...
Grabe naman... One Last Cry pa talaga.
"Manong, pakilipat po yong istasyon ng radyo please..", request ko kay manong driver. Nilipat naman ni manong, mukhang ramdam nya ako.
Two less lonely people
Two less lonely people
In the world...tonight
Yon naman ang sumunod na pumailanglang sa ire. Grabe naman talaga oh. Eh d wow! Sina Mark at Marguerette na iyon. Two less lonely people daw eh. Ang iyak ko naging paghagulhol na tuloy.
"Ok ka lang ba, Ineng." Tanong ni Manong driver.
"Hindi po manong. Pakibaba na lang po ako sa may kanto."
Gulong-gulo ang isip ko. Ni hindi ko na nabayaran si Manong driver, kawawa naman.
Magdamag akong umiyak. Panong nagawa sa akin ni Mark yon? Paano na ang dinadala ko kung tuluyan na syang mahook uli sa Marguerette na iyon? Kung hindi ako dumating baka hindi lang iyon ang nangyari sa dalawa.
Kinabukasan, kumatok si Mama sa kwarto ko. Nasa baba daw si Mark. Nag effort sya mga bes hahaha! Pinasabi ko na lang kay mama na masama ang pakiramdam ko, pupuntahan ko na lang sya sa bahay nila pag ok na ako.
Maya-maya bumukas ang pinto ng kwarto ko. Akala ko si mama lang. Si Mark pala.
"Hindi ko alam kong paano mag uumpisa. Alam kong nasaktan ka sa nakita mo. Aileen, naguguluhan ako. Nahihirapan at nasasaktan ako tuwing nakikita kitang malungkot. Oo, aaminin ko masaya ako kay Marguerette ngayon. Pero gusto ko na munang makasigurado. Gusto kong hanapin muna ang sarili ko. Ang pagbabalik ng memorya ko. Aileen...", Narinig kong sabi ni Mark.
Habang sinasabi nya ang mga ito ay parang unti-unti na akong namamatay sa sakit. Malinaw naman ang kanyang sinabi kaya hinubad ko na ang engagement ring at isinauli sa kanya.
"Kung ganyan pala. Hindi ko na kakayaning isuot pa ito ngayon. Umalis ka na please..."
"Aileen, hindi sa ganon.. Makinig ka.."
Nagtama ang aming mga mata at pinahid nya ang mga luhang dumadaloy sa aking mga pisngi.
"Aileen, I want you to know that you are special to me. Kahit na hindi ko maalala ang nakaraan...its just that sadyang nalilito talaga ako ngayon...""
"Umalis ka na, Mark..."
"Aileen please listen... Someday, when our eyes meet again... It will be the beginning of something beautiful we left behind.. I promise..."
Ahhhhh, ang dami pa nyang sinasabi..hindi ko na maabsorb. The pain is so much to bear. Pinaalis ko sya. Gusto kong mapag-isa.
"Umalis ka na lang please.. Umalis ka na!"
"Aileen..."
"Get out! Leave me alone!"
Sigaw ko sa kanya. Saka pa lang sya tumayo at malungkot na lumabas ng kwarto ko.
###############################################################
Salamat dear friends sa patuloy na pagsubaybay ng #steemitserye sa pangunguna ni @sunnylife. Ano kaya ang mangyayari sa relasyon nina Mark at Aileen? Ito na nga ba ang katapusan ng relasyon nila o my chance pa? Paano na ang dinadala nya sa kanyang sinapupunan?
###############################################################
Abangan ang Part 5 na ibabahagi sa atin ni @shikika. Nakasalalay sa kanyang mahiwagang keyboard ang karugtong ng kwento ni Aileen. Sa mga kaibigan naming readers ano ang maipapayo nyo kina Mark at Aileen? Tulungan po natin si @shikika na magkaroon ng ideya kung ano ang magiging future ng seryeng ito.
Pasensya sa mga #TeamRichard hindi ko po sya nabanggit sa chapter na ito. lol😂
Maraming salamat kina @sunnylife at @jennybeans sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong dugtungan ang kwento ni Aileen.
###############################################################
Para sa mga hindi nakasubaybay, narito ang kwento ni Aileen:
Part 1 - Dear SunnyLife - Nagmahal, Nabigo At Umaasa
Part 2 - Dear SunnyLife - Nasaktan, Bumangon at Nagmahal Muli
Part 3 - Dear Jennybeans - Mahal ko o Mahal Ako
###############################################################
@akoaypilipina
April 16, 2018
4:00 PM
I thank @iwrite and @purpledaisy57 for mentoring me.
Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group #Steemitdiversify and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Others that we should support are: @henry-gant, @kenny-crane, @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @jerrybanfield, @darthnava, @paradise-found, @geetharao, @stephenkendal and @richq11; they also have supported us. Thank you very much.