
Dear Jennybeans,
Magandang araw sayo! Si Aileen to, batid kong ikaw ay nagtataka kung bakit ako nagpadala ng liham sayo. Naibahagi sa akin ni @sunnylife ang mga naging payo mo at oo, pinili ko si Mark over Richard hindi dahil sa mahal ko siya kundi dahil nakikita kong mas close at mas masaya ang anak kong si Teresa sa kanya. Alam ko rin naman na hindi magtatagal ay matututonan ko rin siyang mahalin at yun ang pinanghahawakan ko. Si Richard naman ay nangibang bayan uli at aayusin niya daw ang kanyang sarili upang pagdating ng araw ay maipagmamalaki siya ng aming anak.
Nagdaan ang mga buwan at hindi ko namamalayan na pangalan na ni Mark ang isinisigaw ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, ang mahalin ng isang lalaki na tatratuhin akong espesyal. Naging masaya kami, may kaunting di pagkakaunawaan pero ganyan naman talaga ang pag-ibig parang buhay ng tao, hindi perpekto at niyayanig din ng mga pagsubok na siyang nagpapatibay at humuhubog sa ating pagkatao.
Isang gabi habang ako'y naglalakad sa madilim na eskinita pauwi sa amin napapansin kong parang may sumusunod sa akin kung kaya't nilakihan ko ang mga hakbang ko pero andun pa rin siya nakabuntot kaya naman tumakbo ako at sa bawat pagtakbo ay nananalangin ako na sana maging ligtas ako pero ayun naabutan ako ng humahabol sa akin at bigla na lamang nagdilim ang aking paligid dulot marahil ng panyong itinakip niya sa aking ilong at bibig. Nagising ako sa tinig ng isang lalaking kinakanta ang "Perfect" ni Ed Sheeran. Ang lalaki ay nakaharap sa akin dala ang gitara at nakangiti siya. Di ko maaninag kung sino dahil medyo lutang pa ako. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid at ang katagang "Wow" ang unang lumabas sa aking bibig. Nasa Venice Grand Canal Mall, McKinley Hill ako sa BGC, puno ng mga bulaklak sa paligid at tila ginawang pribado. Nakuha ng isang batang babae ang aking atensyon ng ako'y hilahin niya papunta sa kinalalagyan ng lalake. Laking gulat ko dahil si Teresa pala ang humihila sa akin papunta kay.... kay Richard??? Bakit siya???

Joke!!! Kay Mark syempre. Sumakay kami sa bangka, nagka-kwentuhan hanggang sa naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha at siya ay nagsalita.
"Aileen, kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. You are the woman I've been praying for. You make my life complete and I don't want to let you go. I love you so much. Will you marry me?"
May kinuha siya sa kanyang likuran, isang maliit na kahon at ng kanyang buksan ay tumambad sa akin ang isang singsing na nagniningning sa ganda. Natulala ako at hindi makapagsalita.
"Hey, Aileen, love. What now? Ayaw mo ba kong pakasalan. Tsk! Aray! Sa gwapo kong to, aayawan mo haha" bulalas ni Mark kaya natauhan ako bigla.
"Love, you gave colors into my life. You make me feel important and loved. You seemed to be my knight in shining armor and became the sun in my darkest days. I'm so happy that God gave me you, I love you more and I want to spend the rest of my days with you so, yes.. I will marry you!!!"
Pagkasabi ko nun ay biglang nagliwanag ang kalangitan. May pa-fireworks pala si mayor hindi ako na inform haha at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Andun na pala ang pamilya ni Mark pati na rin ang pamilya at malalapit na kaibigan ko. Grabe, I don't wanna end this night. Ang takot ko kanina ay napalitan ng di mapantayang kasiyahan. Plano pala talaga ng mokong na yun na ipa kidnap ako at ikulong sa kanyang puso.
Naging busy kami sa pag-aasikaso ng mga kakailanganin namin para sa kasal and very hands on kami in every details. Ayaw naming iasa lahat sa mga wedding organizers as much as possible. Sa Batanes kami ikakasal on the first month of next year. At excited na ako, finally magiging pamilya na kami. Pero sa kabila ng pagiging busy namin sa kasal ay pumapasok pa rin ako sa trabaho gayundin si Mark. May business na kasi siya sa Taguig, isang bar and dinadayo talaga kaya every weekend ko lang siya nakakasama.

Habang nag b-blog ako, nagsisisigaw si mama at minamadali akong manuod ng news sa TV. May aksidente pala, isang kotse at ten wheeler truck ang nagbanggaan. Kinabahan ako bigla, parang kotse ni Mark yun ha. Parehas ng kulay pero di ko pa sigurado dahil hindi ko makita ang plate number. Gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang pangalan niya mula sa bibig ng reporter. Kumaripas ako ng alis, wala akong pakialam kung anong ayos ko dahil si Mark lang ang nasaisip ko. Ok lang kaya siya? Nang dumating na ako sa hospital, nakita ko agad ang mga magulang ni Mark na umiiyak. Halata sa mga mukha nila ang pag-aalala na baka mawala sa kanila ang nag-iisa nilang anak ngunit mas doble ang pag-aalalang nararamdaman ko. Pumasok ako sa kwarto niya at hinihintay siyang magising gusto ko kasi na ako ang una niyang makikita pagkagising niya. Makalipas ang 10 minuto ay minulat na niya ang kanyang mga mata. Ang mga titig niya ay may halong pagtataka at ang mga salitang binigkas niya ang nagpaluha sa akin.
"Sino ka? Yaya ka ba namin? Bakit ka andito? Where's my mom and dad? I don't need you here" aniya.
"Joke ba to? Tatawa na ba ako? Grabe ka Mark wag kang magbibiro ng ganyan. Si Aileen to fiancee mo!"
Hinihintay kong tumawa siya at sabihing biro lang dahil alam kong likas na sa pagkatao niya ang pagiging maloko pero hindi ehh. Naging hysterical siya at nagsisisigaw kaya pumasok na sila tita.
"Mom, dad? Who is she? Sabi niya she's my fiancee. What a bluff. I will get married to Marguerette soon right? She just have to fix some things in the states and she'll be back for our wedding."
Marguerette? Kasal? Ano to? Naguguluhan ako. Ni kahit minsan wala siyang na-ikwento sa akin tungkol kay Marguerette. Sino si Marguerette? Isa ba siyang multo mula sa kanyang kahapon? Anong gagawin ko? May amnesia daw si Mark sabi ng doktor at maaring magtagal bago niya ako maalala muli. Sabi nila tita sa akin na be patience lang daw at nagtyaga naman ako kahit na araw-araw niya akong tinataboy, kinakaya ko pa rin. May improvement naman ang pagtrato niya sa akin everytime na binibisita ko siya. Batid ko ang kanya pagkalito at pag-aalinlangan pero alam ko rin na pilit niya akong inaalala. Ok na ko sa ganun dahil darating din yung araw na maaalala niya rin ako. Ngunit lahat ay biglang nagbago ng pumasok na si Marguerette sa eksena. Yes, dumating si Marguerette galing states, anak siya ng business partner ng parents ni Mark at ang kanyang dating kasintahan.
Maganda siya, balingkinitan ang katawan, katamtaman ang taas at mestisa. Nakikita kong masaya sa kanya si Mark at aaminin ko na nagseselos ako dahil dapat ako yun eh. Ako dapat ang kasama niyang tumatawa at hindi ang ibang babae. Hahay, dapat ko bang hayaan na lang si Mark sa piling ni Marguerette? Pero partial amnesia lang naman eh, baka maalala niya ako muli. Anong gagawin ko? Ipaglalaban ko ba siya? Ipaglalaban ko ba ang pag-ibig namin hanggang sa huli? Paano? Eh ako lang ata ang lumalaban.
Mga kaibigan salamat sa pagsubaybay niyo sa istorya ni Aileen. Ano kaya ang dapat na gawin ng ating bida? Isisiksik niya ba ang sarili niya sa buhay ni Mark o hahayaan na lang niya ang binata at hihintayin na lang na maalala siya ng puso nito?
Na kay @akoaypilipina ang desisyon dahil siya ang magpapatuloy ng part 4 para sa steemitserye na ito. Ngunit subalit datapwat kailangan ni Aileen ang mga payo ninyo upang mabigyan ng ideya ang ating writer kung ano ang gagawin niya....hahaha
Sorry ito lang talaga ang nakayanan kong gawin. Sa mga #TeamRichard dyan paumanhin dahil #TeamMark ako ehh... :) At hindi ko rin pwedeng ipaubaya kay @shikika ang part 4 dahil baka ma dead si Marguerette ng wala sa oras hehehe.... Kailangan niya pa ng more exposure sa kwento!! 😁
Para sa mga hindi nakasubaybay, narito ang kwento ni Aileen:
Part 1 - Dear SunnyLife - Nagmahal, Nabigo At Umaasa
Part 2 - Dear SunnyLife - Nasaktan, Bumangon at Nagmahal Muli

