Dear Sunny,
Salamat sa mga kaibigan mong nagpayo sa akin, @iamdeth,@dandalion, @shikika @jennybeans,@smafey,@bloghound, @catietan @avyaceulip @zararina @zephalexia at sa ibang sumuporta. Andito ako ngayon pilit na tumatag dala ang hapdi at sakit sa aking puso. Itinuloy ko ang buhay ko at umuwi ako ng Quezon province. Ipinaalam ko sa mga magulang at mga kapatid ang naging sitwasyon ko. Umiyak sila at galit ang mga kapatid ko kay Richard. Salamat sa Diyos at tinanggap nila akong buong buo ng walang paghuhusga.
Disyembre taong 2017, ng ipinanganak ko si Teresa, isang malusog na bata. Noong una hindi ko sya kayang tingnan dahil kamukha sya ng kanyang ama. Tinanggap ko na lamang dahil walang kasalanan ang anak ko. Itinuon ko ang oras at panahon ko sa aking anak, kasama ng mga magulang ko. Pinalaki ko sya ng maayos at mabait na bata. Nag trabaho ako sa kabilang bayan, sa isang Beauty Shop bilang Assistant Manager. Hindi kalakihan ang sweldo pero sapat na para mabuhay ko ang aking anak. Madaming branch ang Beauty Shop namin sa Maynila at matagumpay lahat. Mabait ang may ari nito kaya din ako ay tumagal.
Dito ko na kilala si Mark sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Bumili sya ng pabango at biglang nawala ng bigla ng bayaran na. Hinabol ko sya hanggang labas pero hindi ko na sya naabutan. Nagulat na lamang ako ng sabihin ng mga kasamahan ko na sya pala ay anak ng may ari ng Beauty Shop. "Ang yabang naman ng lokong yon. Kahit anak sya ng may ari bakit hindi sya nagsabi or nagbayad. Sayang may itsura pa naman pero kuripot hmp"! Ang tangi kong nasabi sa inis.
Mag 3 taon na pala ang anak kong si Teresa sa isang buwan ang bilis ng panahon parang kailan lang, pero ramdam ko pa din ang hapdi sa puso ko hindi maalis yon, minsan aamining kong umaasa ako na sana kami pa din ni Richard sa kabila ng lahat. Pilit kong kinakalimutan pero bumabalik kahit sa panaginip.
Hanggang isang araw pagpasok ko sa trabaho ko ay may nakita akong isang maliit na kahon sa lamesa sa pwesto ko at may nakapangalang "Aileen" wala naman ibang Aileen sa amin kundi ako lang. Binuksan ko iyon at nagulat ako at mga paborito kong pabango ang nandoon. Sino ang nagbigay nito at bakit? Binasa ko ang maliit na card.
Dear Aileen,
Sorry about the other day.
I was rushing, I fogot to pay you.
Please accept my apology.
Hope you like it.
Yours,
Mark
Loko ang anak ng amo ko, pinagti- tripan ako. Kumatok ako sa opisina at dahil alam kung andon sya sa umaga palagi. Sir, sa inyo ata ito" "Oh, no its for you Aileen, it's for you. Sir, sa akin? "Yeah, Yeah" Naga-alinlangan ako sa kilos ni Mark lalo na ng hinawakan nya ang kamay ko at sinabing "Tanggapin mo iyan, kulang pa iyan sa kasalanan ko sayo" Napatango na lamang ako at walang nasabi, isang tuod na hindi makagalaw. Ngayon ko lang nakita ng malapitan si Sir Mark, mapungay na mata at ang bango bango nya."Oy, Aileen, napaano ka, para kang naengkanto" Sabi ko si Sir Mark matagal ng may lihim na pagtingin sayo ikaw kasi puro ka bahay, trabaho at anak. Move on ka na din girl" Si Hilda matalik kong kaibigan simula nong bata pa kami. Kinakausap pala ako ni Hilda na hindi ko namamalayan. "Ha?" Oo, alam mo bang lahat ng mga babaeng trabahador sa shop sa Maynila at dito sa probinsya ay sya ang laging hinahanap?
Matagal na din pala akong mag isa at puro trabaho at pamilya. Natakot na ba akong umibig? Lumipas ang mga araw, linggo at puro may mga regalo sakin si Mark tuwing umaga. Napapangiti na lamang ako wala namang sinasabi si Mark. Siguro ganon ang mga taga Maynila at may kaya, puro regalo walang ganong sinasabi. Aaminin ko na may kilig sa aking puso na ayaw kung ipakita. Hanggang isang araw kaarawan ni Teresa, nagulat na lamang at at sinorpresa nya kami, may malaking Teddy bear para sa anak ko. Tuwang tuwa si Teresa na ngayon ko lang nakita sa anak ko parang sabik na sabik sa ama. Mabait si Mark at mapagkumbaba hindi mapili sa pagkain. Si itay naman sa sobrang tuwa pinatikim ng lambanog. Madilim na ng umuwi sya, tanging kami na lamang dalawa ang naiwan sa labas, medyo nalasing si Mark, ang bango nya kahit amoy pawis. Noon nya inamin na may pagtingin sya sakin. Wala akong masabi dahil huli na hinalikan nya ako sa aking labi. Halik na matagal ko na palang pinanabikang matikman muli.
Handa na ba akong magmahal muli? Paano kung masaktan ako muli? Totoo kaya ang kanyang pagmamahal? Hindi mahirap mahalin ang lalaking kagaya ni Mark. Naging masaya ang relasyon namin. Tanggap ako ng pamilya ni Mark, kahit kami ay mahirap minsan nasa Maynila sya para sa asikasuhin ang shop, pero hindi ako sumasama dahil sa anak kong si Teresa. Hinihintay ko na lamang ang pagbalik nya. Hanggang isang araw hindi ko inaasahan ng biglang sumulpot si Richard sa buhay naming mag ina. Sising sisi sya sa nangyari at humingi ng patawad.
Hinanap nya daw kami ng ilang taon. Hindi nagbago si Richard, lumakas ang takbo ng didbdib ko, totoo ba ang nakikita ko? Ang unang lalaking nagpatibok, minahal at sinaktan ako. Naghiwalay na pala sila ng asawa nya pagkatapos manganak, hindi pala sya ang totoong ama ng bata. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. May halong galit at awa sa akong nararamdaman. Pero para akong upos na kandila sa kanyang harapan. May pagmahahal pa ako kay Richard?? Oo aaminin ko pero parang ganon na nga. Maayos na ang buhay nya dahil nag abroad syang muli at may naipundar handa syang suportahan kaming mag ina at handa syang mag hintay na patawarin at tanggapin ko sya. Bakit ngayon pa sya dumating kung kailan maayos na ang puso ako at muli kung binuksan sa iba. Ang dikta ng isip ko ay si Mark pero ang dikta ng puso ko ay si Richard. Bakit muling binuhay ni Richard ang pagmamahal ko sa kanya? Pagmamahal pa ba ito o isang katangahan? Tama nga ang sabi nila na ang unang pag-ibig ay hindi namamatay? Ano ang gagawin ko? Sino ang pipiliin ko? Ang unang minahal at nagpasakit sa akin? Ayaw ko mang aminin pero mas mahal ko ang ama ng aking anak. Nahihirapan ang puso ko, o si Mark ang taong hindi madaling mahalin at ibigin at alam kong mahal ako?
Ano ang maari mong ipayo kay Aileen. Isarado ng tuluyan ang puso kay Richard na minsan syaý sinaktan? O piliin si Mark na maari nyang matumbasan ang pagmamahal balang araw? Mga love expert pasok!!!
Ang kwentong ito ay parte ng kajologans ko kathang isip lang mga besh wag mainis kay Aileen lols
PART 1 @sunnylife/dear-sunnylife-nagmahal-nabigo-at-umaasa
Keep shining everyone.
Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses
Yours truly,
The village girl @sunnylife in the Steemian Forest
