Dear Sunny,
Itago mo na lamang ako sa pangalang Aileen, 28 anyos. Ang kwento ko ay nangyari taong 2016. Nakilala ko si Richard noong ako ay nagbabakasyon sa probinsya ng aking pinsan sa Iloilo. Ipinakilala sya sa akin ang aking pinsan. May itsura si Richard hindi ako magtataka kung mayroon na syang kasintahan o asawa. Pero sabi ng pinsan ko wala daw nobya dahil barkada nya si Richard. Noong una hindi ako interesado dahil hindi naman ako kagandahan.
Isang araw habang kami ng pinsan ko at nagsimba, nagkataon na nandon din si Richard at pangiti-ngiti sa amin. Mukhang ewan ang nasa isip ko, masyadong papansin. Pagtapos ng simba ay inabangan nya kami sa labasan at nagyayang mag meryenda libre nya daw. Ang pinsan ko naman ay hindi pwede ng araw na iyon dahil may lakad syang importante. Ako ang kinulit. Pumayag na lang den ako dahil halos magta tanghalian na. Nahihiya ako noong una dahil hindi naman ako masyadong nakikihalo bilo talaga dahil hindi ko sya kilala.Kung hindi lang dahil sa pinsan ko hindi ako sasama sa kanya. Kumain kami sa isang turo turo at pagatapos non ay nagpahatid na ako. Maayos naman syang kausap at kinuha ang telepono ko. Ite tekt daw ako, hindi naman ako umaasa, pikit balikaw kung baga.
Nagulat ako araw-araw ang text sa akin. Lumipas ang araw, linggo at mga buwan, naging malapit ako sa kanya. Hangang nagtapat sya na may pagtingin sya sa akin. Sino ba naman ako na hindi sasagot sa kanya, halos lahat ng katangian nasa kanya na. Maayos ang relasyon namin at ng umuwi ako ng Maynila, dumadalaw sya palagi. Masaya kami at lagi kaming magkasama. Isang araw sinabi nya sa akin na magsa Saudi sya at kailangan na nyang umalis ora mismo, natanggap pala sya sa inaaplayan nya. Sinulit namin ang mga araw na kami ay magkasama.
Masakit pero sabi nya para daw iyon sa kinabuksan namin. Naiwan akong mag isa sa Maynila malungkot na wala sya. Nagte text sya palagi, hanggang isang araw nawala na parang bula. Para akong masisiraan ng bait, saan ko sya hahanapin? May nangyari kaya sa kanya? Tinanong ko ang pinsan ko wala ding alam. Nag desisiyon akong umuwi muna sa Iloilo para alamin ang nangyari sa kanya. Wala akong balita kahit sa kaanak nya. Nasaan na kaya sya?
Nagulat na lamang ako isang araw ng makatanggap ako ng text na umuwi na pala sya ng Pilipinas at nasa probinsya. Gusto ko syang puntahan, pero hindi daw pwede. Hindi ko alam ang dahilan masakit pero tinanggap ko hanggang isang araw nabalitaan ko na lang na nagpakasal na pala sya sa dati nyang nobya. Dalawa pala kami sa buhay nya, ang masakit noon hindi nya alam na nagda dalang tao ako 3 buwan na. Gulong-gulo ako ano ang dapat kung gawin? Mahal ko sya. Siya ang una kong minahal, masakit, mahirap tanggapin. Paano naman ako? Paano na ang sanggol sa sinapupunan ko? Ano ang dapat kung gawin? Ipaalam sa kanya na may dinadala ko ang anak nya? Maytakot ako sa Diyos, pero minsan naisip ko na paano kaya kung gawin ko iyon? Tapos na kaya ang problema ko? Ano ang sasabihin ng pamilya ko? o hayaan ko na lang na buhaying mag isa ang magiging anak ko? Aasa pa ba ako? Paano na kami? Paano na ang puso ko? Masakit.....
Nagmamahal,
Sugatang puso ni Aileen
Ano nga ba ang pwede nating ibigay na payo sa sugatang puso ni Aileen? Mahirap na sitwasyon, nagmahal, nabigo at umaasa. Kung ikaw ang nasa sitwasyon nya ano ang gagawin mo? Comment below!! Dali!!!
P.S. Ang kwentong ito ay parte ng kajologans ko kathang isip lang mga besh wag magalit kay Richard.
Gratefulvibes Discord: https://discord.gg/DnpSuVe
FlightGear Discord:https://discord.gg/hdDwXeu
Steem Schools Discord: https://discord.gg/sUKmXC8
Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses
Yours truly,
The village girl @sunnylife in the Steemian Forest
