
Good morning Philippines!
Ang bilis ng araw. Patapos na naman ang January,hindi natin mamamalayan patapos na ang 2019. Kung may pause button lang para pwde natin ifreeze yung mga moments so we can savor them a little bit longer. Example, kahapon kase off ako, pwde ko pindutin yung pause button tapos pag nakarest na ko ng maayos at nagsawa na ko kakachill, saka ko na ireresume ulet. Haha. Kung pwde lang ganon. =( Kaso hindi, kahit pagod ka babangon ka. Hindi ka pwde maginarte bes, poverty tayo eh. Hahaha.
Friday na guys, nagcecelebrate na yung mga magooff sa weekend. Nakakainggit, may duty ako bukas. Huhu. Magingat today at magpakabait. Wag magtaray at try your best na maging nice sa mga tao kahit hindi yun yung nature mo. Haha. Kontrahin ang nega at magpaka positive lagi. Happy Friday! ♡