Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon - Unang Bahagi

Sa mga gustong sumama sa aking paglalakbay, "Hali kayo! Samahan niyo ako sa aking paglalakbay patungo sa dako pa roon." Ngayon na po magsisimula ang ating paglalakbay.

image

Sa mga oras na eto, dinala ako ng aking mga paa sa tabing ilog. Hanggang sa di ko namalayan sumasabay na ako sa walang hanggan daloy ng ilog patungo sa dako pa roon. Ang dami kong dinadaan. Hindi pansin ng mga nasa ilog ang aking pagdaan. Maraming mga kababaihan ang naglalaba sa ilog. Ang saya saya nila at kasama pa nila ang kanilang mga sinisinta. Nariyan magsipaghalakhakan bigla sa mga pinag-uusapan nila. Nadaanan ko rin ang isang kumpol ng mga mangingisda. Ang iba marami ng nahuling isda ang iba naman kukunti pa lang. Meron naman mga naliligo sa ilog. Ang iba magkakapamilya ang iba ay magbabarkada.

Ngunit sa dinami-dami ng aking nadaanan wala pa rin nakakapansin sa akin. Hanggang sa mapadpad ako sa tambak ng mga basura. Akala ko dito na rin ako mabubulok. Mabuti na lang meron mga taong nagkakaisa upang linisin ang ilog na punong-puno ng basura. Pero bakit tila di pa rin ako nakikita. Dahil sa naging malinis na ang aking kinaroroonan. Nagtuloy-tuloy ang aking paglalakbay patungo sa dako pa roon. Akala ko malapit na ako sa dako pa roon. Nahinto pala ako kung saan nagtatagpo ang ilog at dagat. Saan na ako tutungo? Di ko pa rin nakikita ang dako pa roon.

Itutuloy sa ikalawang bahagi ng paglalakbay patungo sa dako pa roon.

Omg! Bakit ako nagsusulat ng ganito? Nahawa na pala ako kajologans ni sissy @sunnylife. Hahahahaha. Hindi ko alam kung saan patutungo. Hindi ko alam kung ano ang nasa dako pa roon? Hahahaha. Naging Sisa na ata si Shikika. Nyahahaha

I am grateful being crazy. Hahahaha. 😀😀😀💖💖💖

Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! 😀😀😀

Everyday is worth to be grateful of!

How about you? What's your #gratefulvibes story for today? Join the #gratefulvibes community challenge of @paradise-found as it is extended forever. You can share yours and show to Steemit world how grateful you are. Feel free to comment and share. See you around! 😀😀😀💖💖💖

Let the #teardrops of gratefulvibes begins! 😀💖

P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

image

Yours truly,

@shikika with much love 💖💖💖😀😀😀

Keep steeming! 😀😀😀

image

image

U5duDsPLWVkRfhiP758pZa8Qhn95oFE.gif
DQmarWRv4wXiqPZbmtDCDRTwE5jewDQrG1ATrXcFrTThxht.gif

H2
H3
H4
Upload from PC
Video gallery
3 columns
2 columns
1 column
20 Comments