Hello steemians,
Nagiisa ako'ng naglakbay sa buhay ko maraming mga pinagdaanan,nadapa at muling bumangon hindi ako nawalan ng pag asa , sa aking paglalakbay patungo sa dako pa roon,ako'y naisip na maghintay ng masasakyan ko jeep,,motorcycle o iba pa .o kahit ano....pero bihira lang ang dumaan sa lugar na yun ...at sa sandaling iyun hindi ko inakala na merong tao ang dumaan sa lugar na yun may dalawang babae na sina @shikika at my isang babae na hindi ko kilala na galing sa bundok Krakra ng Bulgaria si @shikika lang ang nagsabi at ipinakilala niya sa akin na si @sunnylife pala ang pangalan sa kasama niya,...masaya akong nakilala siya at doon inyayahan ako ni @shikika na sumama nila @sunnylife patungo sa dako pa roon, hindi ako tumanggi pumayag ako agad sa offer ni @shikika at hindi sila ngmamadali dinala ko sila sa lugar namin na tahimik at bihira lang ang tao'ng naninirahan doon,marami kaming napuntahan ,ilog na malinis na galing sa malalaking kabundokan at sa mga malalaking kahoy,kailangan pang dumaan sa tulay na yari sa kawayan pero merong karugtong na semento sa gitna nito,maputik na daan patungo sa palayan namin at etc.oopss..ang kwentong ito ang isang gawang emahinasyon lang walang katutoran pasensya na kayu.
Naglalakbay na kami patungo sa paroonan namin @shikika @sunnylife @yennarido at doon marami kaming nadaanan naglalakbay kami sa mga damo,kagubatan,bundok na patungong ilog na kahit gaano kainit ang panahon pero masaya kaming nakwentohan habang naglalakbay ang saya pala kapag merong kasama kasi sa bawat mapuntahan at bawat lakad mo merong kang tao na handang makinig at magpasaya sa atin,.may kasabay na humahalakhak ....hanggang nakarating kami sa malinis na ilog.
Kaming tatlo @shikika @sunnylife @yennarido umupo sa tabing ilog pinagmasdan ang daluy ng tubig nito napakasayang pagmasdan ang linis na galing sa kabundokan at mga kahoy,at sa mga ilang oras ang naka lipas patuloy na kami sa pa roroonan at hindi kami makapunta sa kabilang daan kung hindi kami dumaan at dito mglakad sa tulay na yari sa kawayan at karogtong ito ng semintong tulay ,dito kami dumaan, pero sina @shikika at @sunnylife ay go lang ng go....dahil nagtaka ako kasi hindi naman sila sanay sa ganitong lugar .buhay probinsya...hahahaha..ππ

Pagkatapos dumaan sa tulay walang ibang daanan kundi itong daan na maputik,tinanong ko sina @shikika at @sunnylife kung okey ba sila o susuko /tumigil naba sila sa aming paroroonan pero ito lang ang sagot ni @sunnylife sa akin hindi tayu tumigil ang saya-saya kaya maglakbay na merong kasama at maraming nalalaman na lugar merong natutunan sa kung saan tayu makapunta,tiningnan ko si @shikika at siya'y naka smile sa akin,ibig sabihin okey lang sa kanya hahhahahaππ
Dinala ko sila sa aming palayan ipinagmalaki ko ang aming palayan at lugar na kahit anong simpleng buhay na meron ako masaya tahimik ang buhay at masayang pakinggan at pag masdan ang tunog ng mga ibat-ibang ibon at welcome ang lahat dito,at sinabi pa ni @shikika na sana balang araw makaroon siya ng sariling palayan at sinabi ko ni @shikika na malay natin isang araw makamit mo ang pangarap ..go... go ..go..lang te @shikika laban lang..hahahhahah..go ra bheeels..rana..hahahhahahah.masaya kaming nagkasamang tatlo lalo-lalo na ako kasi nakikilala ko si @sunnylife masaya akung meron akung ibang makikilala sa buhay at ito'y parti na sa buhay ko .

Sa aming paglalakbay nadaanan namin ang sariling lupa namin na maraming niyog at doon inyayahan ko silang kumain at ako na mismo ang umakyat sa puno..fresh buko juice.....masaya kaming nagkwentohan na kahit ano-anu , nagtawanan sa isat-isa at ngkulitan.



Kumain kami ng tinolang manok na may halong papaya ..kasama ang preskong buko juice at doon nag-uusap,na sa daming nilakbay na mga lugar at sa aming mga matatamis na halakhak, naming tatlo,na kahit anong pagod ang naranasan namin pero hindi kami susuko patuloy parin kami sa aming patungo sa paroroonan,
***Masayang paglalakbay natin @shikika @sunnylife at @yennarido at sa mga sandaling iyun hindi namin inakala na dumating si @jennybeans at doon dinala kami sa sarangani ...at ibinahagi din niya kung gaano ka ganda sa lugar na yun...taraa sabay-sabay tayung magsaya ..at sabay-sabay din natin punoin ang mga masasayang ala-ala hahahhhhaahahah...... matatamis nating halakhak .... sa paglalakbay patungo sa dako pa roon...
@jennybeans pasok...........
at sino ang gustong sumali at sumabay sa patungo sa dako pa roon .?kahit sino pwedeng sumali mag comment lang kayu baka ikaw ang susunod at tayo'y magsaya at sabay-sabay natin tuklasin kung saan ba tayu tumigil o huminto patungong sa dako pa roon? Ang saya...at ako'y nagpapasalamat nila @shikika at @sunnylife na sinali ako sa patungo sa dako pa roon..sana masaya kayung dalawa sa paglalakbay natin...sa aking himahinasyun..at....oooppssss.guys..hindi pa to tapos abangan ang karogtong nito kung sino,at saan kami dalhin at makapunta o saang lugar kami makapunta sa susunod na kabanata..ABANGAN..πβ***πππ
***Ang mga larawan at lugar na ito ay sa probinsya namin kung saan ako ipinanganak proud probinsya HILONGOS LEYTE .***.ππ
***Maraming salamat,at sana'y nagostuhan nyu ang aking imahinasyung kwento***
Hindi natin kalimutan to vote as a witness: 


Yours truly, @yennarido
Keep Steemingπππ